Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
Blog EntryApr 25, '09 11:05 AM
for everyone
Ganito kasi ang kwento. Baccalaureate mass ng minamahal kong ate na si Mox sa Ateneo Law sa Rockwell na katabi ng PowerPlant. So bilang celebratory mood kami after ng bonggang Misa (na may napakagandang homiliya galing kay Father Joaquin Bernas), naisipan naming kumain sa PowerPlant ng dessert.

Kaya ayun naglakad kami sa napaka-burgis na mall para kumain ng mga matatamis na bagay at uminom ng mamahaling tsaa sa Sugarhouse sa basement ng PowerPlant.

Grabe. Heaven yung mga kinain namin. Lalu na yung tsaa.

Ineenjoy ko pa ng dahan dahan yung tsaa ko nun eh, nang makita kong may mamang malaki na tumatakbo papuntang kanan. Yung una ko namang naisip, "naku, najejebs na si manong. Sana makaabot siya."

Nagulat na lang ako nang biglang may grupo naman ng mga babae na tumatakbo pakaliwa. "May scavenger hunt ba?" naisip ko. Tapos biglang may mas maraming tao na tumatakbo pakanan ulit! "May artista ba? Ano nangyayari? What the?"

Pero naku nung nakita ko nang tumatakbo pakanan yung mga security guard PUTSA NATAKOT NA AKO. Putek, lahat kami tumayo na ng mga upuan namin at pumasok sa loob ng SugarHouse. May bomb threat? May mamang may baril? May nakawan? Punyeta ayoko pang mamatay!!!

Takte, habang nakatayo kami at nagpapanic sa loob ng SugarHouse, naalaala ko yung tsaa kong naiwan ko sa table na dinadahan dahan ko pa. Twining's pa man din yun!

Nang marinig naming may sumisigaw ng "FIRE!" (oo fire, kasi like, it's PowerPlant noh, and people are like, burgis noh), wala na. TAKBO NA!

Yung unang instinct siyempre mula sa basement ay tumakbo sa first floor, kasi nandun yung mga pinto palabas. Pero takte, nung pagakyat na ng escalator, pagtingin mo sa taas, makikita mo na ang kapal na ng usok! Buti nga nahila pa namin nanay ko pababa ng escalator na paakyat kahit nakahigh heels siya.

Tapos by this time humahalimuyak na yung baho ng sunog. Grabe, ang baho niya. Kaamoy niya yung transistor na napasabog namin sa Applied Physics 181 lab. Only mas malala ng isang libong beses.

So after namin mamagic si mommy na bumaba ng escalator na paakyat habang nakaheels habang naiinhale ang napakabahong fumes, buti naalaala ni daddy na may exit papuntang parking sa pinakagilid ng mall. At least ang parking lot, hindi masusunog diba?

Pero kebs na muna ang kotse namin, kasi hello, pano ka makakapagdrive pag patay ka na diba? So takbo kami lahat sa labasan ng kotse. Para kaming mga daga na tumatakbo nakikisiksik sa gilid ng mga malalaking appliances na gumagalaw at bumubusina.

Wow lang talaga paglabas mo ng mall. Kung anung drama ang mararamdaman mo. Kasi ba naman, OHMIGOSH BUHAY PA AKO. Tapos dagdagan mo pa ng crowd na de-adrenaline pa na nagyayakapan, mga wangwang ng ambulansya at fire truck, at siyempre ng ulan napagka-drama drama sa napakabagal na pagpatak.

Pero siyempre, kailangan pa rin naming balikan ni daddy ang kotse. Hindi naman masusunog ang basement na parking lot. At ang usok, mako-contain sa loob ng mall. So lakad kami ulit kung saan kami dumaan. Grabe, makikita mo na pinagbabasag na ang mga de-salaming pintuhan para mas madaling makalabas ang mga tao. Tapos wow, yung mga pinto ng fire exit, sobrang nangangamoy pa rin ng baho ng sunog.

Sa parking area, less baho na. Nadilute na rin ang concentration ng usok (WOW AT NAGAWA KO PANG MAG-ISIP NG CHEM).

Ayun, nalabas na namin ang kotse, nasundo na sina mommy at ang mga kapatid at ang boyfriend ng ate, at nakauwi na.

---

Grabe lang talaga. Sa taong ito, pangalawang beses ko na nafeel na punyetamamamataynaakowagnamansanapleaselordhelp!

Yung una ay nung LoveRage, na napapalibutan kami ng nagwawalang mga jolog. Itong pangalawa ay sa PowerPlant na napapalibutan kami ng mga nagpapanic na sosi.

Natawa na lang ako sa aftermath kasi hindi magawa ng mga tao na sumigaw ng "SUNOG!" Kailangan talaga "FIRE!" sinisigaw ng mga tao. Tapos kung makatakbo, maliliit ang steps ng iba pagkat nakaheels pa (hi Mommy, hi Mox), or ganun lang talaga sila tumakbo.

Pero promise, yung pinaka-ayaw kong bagay na naexperience ngayong gabi ay yung amoy ng usok, at yung physical manifestation ng usok na nakikita mong nakapalibot na sa kung saan saan. Grabe, pag makita mo na yun matatakot ka na ng sobra.

Meh. Buti na lang at walang nasaktan sa amin. Woo, experience din to.

---

So ang nangyari ngayong gabi... Tumaas ang temperature. Tumaas ang kinetic energy. Nagreact ang mga tao ng pagkabilis-bilis.

POTEK CHEM. LUBAYAN MO NA AKO!

75 CommentsChronological   Reverse   Threaded
baracoma wrote on Apr 25, '09
POTEK SA PANIC KO ANG BOBO NG PAGKA-COPY PASTE.

Weit laaaang. Edit ko lang
roehlnino wrote on Apr 25, '09
POTEK SA PANIC KO ANG BOBO NG PAGKA-COPY PASTE.

Weit laaaang. Edit ko lang
sabi na eh. haha.
baracoma wrote on Apr 25, '09
sabi na eh. haha.
Ayan ok na. Hahahaha
roehlnino wrote on Apr 25, '09
Natawa na lang ako sa aftermath kasi hindi magawa ng mga tao na sumigaw ng "SUNOG!" Kailangan talaga "FIRE!" sinisigaw ng mga tao.
I can't decide between WIN and FAIL. WAIL na lang. =)) Ang korni ko na.
amiheretogoforthand wrote on Apr 25, '09
=))

go cmd C cmd V! :))
amiheretogoforthand wrote on Apr 25, '09
I can't decide between WIN and FAIL. WAIL na lang. =)) Ang korni ko na.
dapat FIN dahil tapos na!
baracoma wrote on Apr 25, '09
I can't decide between WIN and FAIL. WAIL na lang. =)) Ang korni ko na.
FIN?

HAHAHAHA

Pero benta talaga eh. Inaabangan kong may sumigaw ng "SUNOG!" pero wala akong narinig.

Yung pinakabentang narinig ko sa mga lalaking teenager na kakapanic lang,

"Dude! We're like, still alive man!"

Hindi yun yung exact words. Pero, basta conyo talk chever!
baracoma wrote on Apr 25, '09
=))

go cmd C cmd V! :))
Nakadalawang cmd V ako. Ang tanga lang. Hahahahaha
amiheretogoforthand wrote on Apr 25, '09
"DUDE THERE IS LIEK, SUPER POSITIVE DELTA H NA, I CAN FEEL IT!"
autumnlullaby wrote on Apr 25, '09
exciting. hahaha.

sorry. natrauma sa chem. ang no rxn ko ngayon.
autumnlullaby wrote on Apr 25, '09
"DUDE THERE IS LIEK, SUPER POSITIVE DELTA H NA, I CAN FEEL IT!"
HAHAHAHAHAHAHAHA BUMENTA 'TO SA 'KIN
baracoma wrote on Apr 25, '09
"DUDE THERE IS LIEK, SUPER POSITIVE DELTA H NA, I CAN FEEL IT!"
Dude, it's like, so spontaneous! My gosh it's so hot!
baracoma wrote on Apr 25, '09
exciting. hahaha.

sorry. natrauma sa chem. ang no rxn ko ngayon.
Magreact ka na dali. Para makaform ng product.
autumnlullaby wrote on Apr 25, '09
Magreact ka na dali. Para makaform ng product.
kailangan ko ng catalyst!

naisip ko, like 'omg dude it was like, totally bound to make sabog kaya! kase nga it's the powerplant e! get it? power-plant? as in with the electricity the uling and the nuclear bombs and everything? *super conyo tawa*'

LABOOO
baracoma wrote on Apr 25, '09
kailangan ko ng catalyst!

naisip ko, like 'omg dude it was like, totally bound to make sabog kaya! kase nga it's the powerplant e! get it? power-plant? as in with the electricity the uling and the nuclear bombs and everything? *super conyo tawa*'

LABOOO
Sabaw ka na dors. Aqueous na utak mo.
autumnlullaby wrote on Apr 25, '09
Sabaw ka na dors. Aqueous na utak mo.
hindi pa nga e. puro precipitation reactions na. nagsesettle na lang sa baba ng utak ko. :|
baracoma wrote on Apr 25, '09
hindi pa nga e. puro precipitation reactions na. nagsesettle na lang sa baba ng utak ko. :|
Shake natin.
autumnlullaby wrote on Apr 25, '09
Shake natin.
hindi naman madidissolve kahit ishake. wala na. beyond repair na ang utak ko :|
amiheretogoforthand wrote on Apr 25, '09
lagyan mo ng love! baka magreact!
baracoma wrote on Apr 25, '09
Dapat may special mention si Jonats. Nagawa pa naming magkwentuhan tungkol sa crush ko sa text habang nagpapanic kami ng pamilya kong makalabas ng PowerPlant. HAHAHAHAHA.


HI JONATS!
autumnlullaby wrote on Apr 25, '09
lagyan mo ng love! baka magreact!
hindi pwedeng catalyst ang love! nawawala siya pagkatapos ng reaction! :|
autumnlullaby wrote on Apr 25, '09
Dapat may special mention si Jonats. Nagawa pa naming magkwentuhan tungkol sa crush ko sa text habang nagpapanic kami ng pamilya kong makalabas ng PowerPlant. HAHAHAHAHA.


HI JONATS!
..HAHAHAHAHA BAAAAA
baracoma wrote on Apr 25, '09
hindi pwedeng catalyst ang love! nawawala siya pagkatapos ng reaction! :|
Kung tunay na love yan, hindi mawawala yan!
amiheretogoforthand wrote on Apr 25, '09
di nga kasi dapat catalyst ang love! dapat nasa loob niya ang reaction.

meaning, beaker siya.

(LOL WHUT)
baracoma wrote on Apr 25, '09
di nga kasi dapat catalyst ang love! dapat nasa loob niya ang reaction.

meaning, beaker siya.

(LOL WHUT)
Erlenmeyer na lang para cute
autumnlullaby wrote on Apr 25, '09, edited on Apr 25, '09
di nga kasi dapat catalyst ang love! dapat nasa loob niya ang reaction.

meaning, beaker siya.

(LOL WHUT)
hindi pwede sa beaker. kasi volatile ang product ng reactions kung saan reagent ang love. :|
amiheretogoforthand wrote on Apr 25, '09
sa volumetric flask! tapos lalagyan nung cute na parafilm. tapos shake shake shake.
autumnlullaby wrote on Apr 25, '09
ay wait. ang labo ng logic ko. hahaha.

hindi pwedeng beaker ang love kasi magiinterfere yung properties ng love sa flow ng reaction.
autumnlullaby wrote on Apr 25, '09
sa volumetric flask! tapos lalagyan nung cute na parafilm. tapos shake shake shake.
ano ang parafilm? :|
baracoma wrote on Apr 25, '09
shake shake shake.
Kendeng kendeng kendeng!
baracoma wrote on Apr 25, '09
ano ang parafilm? :|
Diba yun yung course ni Ephy dati?

Scenario: Nasa jeep si Ephy, bababa ng CMC....

Manong, PARA-FILM!

HAHAHAH

Teka, ang imposible ng scenario na yun.
autumnlullaby wrote on Apr 25, '09
Diba yun yung course ni Ephy dati?

Scenario: Nasa jeep si Ephy, bababa ng CMC....

Manong, PARA-FILM!

HAHAHAH

Teka, ang imposible ng scenario na yun.
una, hindi kailangang sumakay ni ephy ng jeep.

...yun talaga yung naisip e. :))
baracoma wrote on Apr 25, '09
una, hindi kailangang sumakay ni ephy ng jeep.

...yun talaga yung naisip e. :))
Kaya nga imposible eh. Hahahahahaha
autumnlullaby wrote on Apr 25, '09
Kaya nga imposible eh. Hahahahahaha
akala ko ang imposible na ibig mong sabihin is that alam ni manong jeepney driver kung saan ang film. :))

ANG IMPOSIBLE NIYA ON SO MANY LEVELS. parang love.

MUAHAHAHA
baracoma wrote on Apr 25, '09
akala ko ang imposible na ibig mong sabihin is that alam ni manong jeepney driver kung saan ang film. :))

ANG IMPOSIBLE NIYA ON SO MANY LEVELS. parang love.

MUAHAHAHA
Posible kaya ang lab, este, love!
amiheretogoforthand wrote on Apr 25, '09
posible naman ang love eh. parang pagsakay ni ephy ng jeep. pero una sa lahat, kailangang may iwanan siya.

ang sasakyan!
autumnlullaby wrote on Apr 25, '09
posible naman ang love eh. parang pagsakay ni ephy ng jeep. pero una sa lahat, kailangang may iwanan siya.

ang sasakyan!
pero kung iisipin mo, ang sasakyan ay mas stable sa jeep. at mas mabilis ang rxn na yun. :|
baracoma wrote on Apr 25, '09
Hi Ephy, pinaguusapan ka namin dito

Hay nako, ayoko na tuloy mag log out. Paguusapan niyo o. :| Kagabi si Dors ang biktima
autumnlullaby wrote on Apr 25, '09
Hi Ephy, pinaguusapan ka namin dito

Hay nako, ayoko na tuloy mag log out. Paguusapan niyo o. :| Kagabi si Dors ang biktima
HAHAHA actually! Saka nakakapanghinayang paggising mo kasi nakikita mo yung pinag-usapan nila. :))
baracoma wrote on Apr 25, '09
HAHAHA actually! Saka nakakapanghinayang paggising mo kasi nakikita mo yung pinag-usapan nila. :))
Tapos hindi ka makapagreact. HAHAHA
baracoma wrote on Apr 25, '09
pero kung iisipin mo, ang sasakyan ay mas stable sa jeep. at mas mabilis ang rxn na yun. :|
Minsan mas masaya magcommute. Kasi mas madali ang makakita ka ng cute.

Kasi pag nagmamaneho ka at nakakita ka ng cute, nakow, mahirap nang lumingon. Baka makabunggo ka pa ng jogger sa oval.
amiheretogoforthand wrote on Apr 25, '09
Tapos hindi ka makapagreact. HAHAHA
kasi nga walang catalyst! :)) :)) :)) :)) :))
autumnlullaby wrote on Apr 25, '09
kasi nga walang catalyst! :)) :)) :)) :)) :))
HINDI KO NAMAN KASALANAN NA WALA AKONG CATALYST

natamaan. :))
baracoma wrote on Apr 25, '09
HINDI KO NAMAN KASALANAN NA WALA AKONG CATALYST

natamaan. :))
Meron akong mga kuting sa bahay.

Ang mga pangalan nila ay,
- Lucky III
- Snow Bear
- Artemis

Ayan. May listahaan na ako ng mga pusa. May cat-a-list na ako
amiheretogoforthand wrote on Apr 25, '09
kailangan na nating mag-aral. paulit-ulit nalang mga analogy natin!
baracoma wrote on Apr 25, '09
kailangan na nating mag-aral. paulit-ulit nalang mga analogy natin!
Next next week pa exam namin! Hahahahahah.
autumnlullaby wrote on Apr 25, '09
ay! actually naisip ko na yan kanina -

pero tinamad ako. BUKAS MAY GRIGNARD RXNS NA KO NA METAPHORS PROMISE
baracoma wrote on Apr 25, '09
ay! actually naisip ko na yan kanina -

pero tinamad ako. BUKAS MAY GRIGNARD RXNS NA KO NA METAPHORS PROMISE
Sino si Grignard?

Sorry ha, chem 16-17 lang ako. HAHAHA
jezchua wrote on Apr 25, '09
HUWAW.
buti walang na-injure sa fam niyo.
baracoma wrote on Apr 25, '09
jezchua said
HUWAW.
buti walang na-injure sa fam niyo.
Yup, buti na lang! :D
melapot wrote on Apr 25, '09
Basta buti safe kayo.

E YUNG INISIPAN MO PA NG CHEM. Hahaha ewan ko sayo!
baracoma wrote on Apr 25, '09
melapot said
Basta buti safe kayo.

E YUNG INISIPAN MO PA NG CHEM. Hahaha ewan ko sayo!
Kasalanan ng chem to! HAHAHA. Kung hindi nagreact ang mga chorva hindi magkakasunog!
jrabat wrote on Apr 25, '09
Dapat may special mention si Jonats. Nagawa pa naming magkwentuhan tungkol sa crush ko sa text habang nagpapanic kami ng pamilya kong makalabas ng PowerPlant. HAHAHAHAHA.


HI JONATS!
Hi BA! haha. talagang special mention ako! putek ka! tetext text ka tungkol sa crush tapos biglang nasusunog na pala ang rockwell! haha
strawberryonastar wrote on Apr 25, '09
At sorry naman sa mga comment na puro na love.

HAHAHAHAHA....




WOW, Dude!

"Yung una ay nung LoveRage, na napapalibutan kami ng nagwawalang mga jolog. Itong pangalawa ay sa PowerPlant na napapalibutan kami ng mga nagpapanic na sosi."

At can I say na grabe ang irony nun.

*Hugs*
autumnlullaby wrote on Apr 25, '09
Sorry naman, 16 at 31 lang ako. :))
jungwha wrote on Apr 25, '09
"Fire!" Benta hahaha. But I am glad you're safe :) Huuuuugggg :)
baracoma wrote on Apr 25, '09, edited on Apr 25, '09
jrabat said
Hi BA! haha. talagang special mention ako! putek ka! tetext text ka tungkol sa crush tapos biglang nasusunog na pala ang rockwell! haha
Ikaw kasi eh, nagreply ka pa kasi! HAHAHAHA
baracoma wrote on Apr 25, '09
At sorry naman sa mga comment na puro na love.

HAHAHAHAHA....




WOW, Dude!

"Yung una ay nung LoveRage, na napapalibutan kami ng nagwawalang mga jolog. Itong pangalawa ay sa PowerPlant na napapalibutan kami ng mga nagpapanic na sosi."

At can I say na grabe ang irony nun.

*Hugs*
Jolog at sosi. Hahahahaha. Extremes! Grabe.

Hug Keyk!


baracoma wrote on Apr 25, '09
Sorry naman, 16 at 31 lang ako. :))
At maraming Bio! HAHAHAHA
baracoma wrote on Apr 25, '09
jungwha said
"Fire!" Benta hahaha. But I am glad you're safe :) Huuuuugggg :)
Huuuuuug!
meeeg wrote on Apr 25, '09
Buti na lang okay kayong lahat. :| HUUUUG.
baracoma wrote on Apr 25, '09
meeeg said
Buti na lang okay kayong lahat. :| HUUUUG.
Onga! Birthday gift na namin sayo yun. Heehee. HUG MEG!!!
prettypauline wrote on Apr 26, '09
shempre hindi pwede sumigaw ng "sunog" sa powerplant. kung gawin mo yun, ikaw ang susunugin.
baracoma wrote on Apr 26, '09
shempre hindi pwede sumigaw ng "sunog" sa powerplant. kung gawin mo yun, ikaw ang susunugin.
HAHAHAHAHAHA! =))
claircynth wrote on Apr 26, '09
woaahh.. nagkita pa tayo nung hapon na un tapos nagkasunog na? omigosh...

Fire! haha...
jrabat wrote on Apr 26, '09
dude! common! there's fire! HAHAHA

extreme conyo naman ngayon ang near-death-experience mo.
buti na lang at nakaalis na kami ng friend ko bago magstart ang riot sa LOVERAGE. haha
jazzybat wrote on Apr 26, '09
powerplant pa naman. hndi ako makapaniwala hanggang ngayon. hehe.. at least ok kayo ng family niyo. yun ang importante... at sana nagsave pa tayo ng mga speakers sa Bose. hehehe
autumnlullaby wrote on Apr 26, '09
ano namang tulong ng bio.

'omg dude like nasa top na ng secondary palate ko yung smoooke! papasok na siya sa trachea ko sabay enter sa lungs ko tapos pagpass nung blood ko sa pulmonary circuit hindi na pure oxygen yung makukuha niya tapos less na the oxygenation sa systemic circulation ko and OMG LIKE DUDE I'M GONNA ASPHYXIATE AND DIE AND THEN I'M GOING TO SET INTO RIGOR MORTIS and omg i'm going to be like SOOO pangit when they take a picture of my bangkay O. M. F. G.'
baracoma wrote on Apr 26, '09
Curty: Dapat pala sumama ako sa inyo! Hahaha

Jonats: Hindi naman extreme conyo. Medyo lang. :))

Troy: Hindi naman yung buong mall yung nasunog. Kumalat lang yung fumes na nakamamatay. :o At oo, sayang yung Bose.

Dors: Shet, hindi ko naintindihan.
triciamae09 wrote on Apr 26, '09
hahahahaha graaaabe BA!!!! imbis na kabahan ako habang binabasa ko to, tawa ko ng tawa...FIRE talaga eh no..like it's so baho siguro the usok there..haha
triciamae09 wrote on Apr 26, '09
BA!!! try mo sa ali mall pumunta..tas magintay ka ng sunog..hahaha
baracoma wrote on Apr 27, '09
Yes, the usok is like super baho! Nakaka-ewww

Diba Virramall yung laging nasusunog? Hahahahahaha
autumnlullaby wrote on Apr 27, '09
Exactly!

Buti hindi combustion yung sinisigaw nila. :|
baracoma wrote on Apr 27, '09
Exactly!

Buti hindi combustion yung sinisigaw nila. :|
Yun din, susunugin din yung mga yun.
autumnlullaby wrote on Dec 31, '09
Na-eemo ako sa chem days. HAHAHAHA. :')
Add a Comment